Bully
by: Akiko
When I was on grade school nalipat ako from Section 6 to
First Section ng Grade 4..Simple lng akong bata noon. Marami o lahat nagsasabi
na napaka panget ko noon hahahhaha..Maitim, puro peklat ang binti, maiksi ang
buhok parang lalake, sungki ganun pa man isa ako sa sinasabi nilang matalino. Sabi
nila magiging abogado daw ako noon. My mom selling foods that time mga kakanin,
sopas . Isang kahid isang tuka eka nga .“
Aling Miner “ kung tawagin ang nanay ko noon. My family is struggling that time
Financially. My first day of school was
never been easy for me. Hindi magandang simula dahil unang araw pa lang ako na
ang sentro ng harutan. I can still remember a guy name Jeff lagi nya ako
hinaharot at iniinis noon.” Intsik beho”, “ Negrita “ anu pa ba? Hahahahaha his
mom selling Tupperware that time uso noon un pag mga sosi mom nan naka stay sa
bahay. The day goes by wala ko gaano kaibigan noon. Out of place dahil
karamihan sa classmate ko Burgis. I work very hard to reach the certain points
for 1st honor, Unluckily parehas kami ng points ni Princess. Si
princess na crush ng classroom, maganda ang ngiti, maputi at mayaman. Sinubukan
kong labanan ang inferiority complex na kumakain at humihila sa akin. Wala ako
mapagsabihan kasi ang nanay busy sa trabaho ayoko naman malungkot sya para sa
akin.
Isang activity ang tinalaga ng teacher ko noon para malaman
kung sino talaga ang magiging First Honor. Kailangan naming umarte bilang isda.
Naalala ko noon isa sa mga kapit bahay namin ang tumatawag sa akin na “
LUKAOK” Hindi ko alam nararamdaman ko noon. Gumawa ako ng Isda na
costume gawa sa manila paper dahil yoon lang ang kaya ng budget ko(2.50 pesos).
Ako mismo ang gumawa dahil wala kaming pentel pen lapis lang ang ginamit ko na
pang drawing. Dumating ang araw ng competition, nauna si Princess magsadula. Gamit ang Patahi na costume bilang isda
kumikinang. Unti unti akong nanlumo sa aking nakita,. Hangang hanga ang mga
kaklase ko sa kanya kahit hindi nya kabisado ang script. Dahil isa sya sa
pinakamagandang ngiti umaatikabong palakpakan pagkatapos ng kanyang pagsasdula.
Eto ako.Binabalot ng kaba. Hahahhaa kabog ng kabog ang aking
dibdib bitbit ang manila paper na buntot. Binalot ng tawanan ang classroom
namin dahil nga naman sa corny kong costume. Bagkus humito ay itinuloy ko ang
aking pagsasadula ng walang hinto. Lahat sila tumatawa dahil sa aking buntot na
nagkapunit pa nga.Mukha kasing tinapa ang kulay. Tuloy tuloy walang
hinto..Dahil panatag ako na kabisado ko ang buong script. Hindi ko namamlayan
Tumutulo na pala ang luha ko sa harap ng classroom. Naririnig ko ang kanilang
tawanan at bulungan.
Mula ng nangyari ang araw nayon Lumipas ng bawat araw na
nakikita ko pabagsak na lahat ng grades ko dahil tila tulala ako pag nakikita
ko ang mga kaklase ko. Dumating ang araw ng PTA meeting. Hidi umaattend ang
aking nanay dahil ako mismo niintidihan ko kung bakit. Walang humpay na payabangan
lng naman. Dapat bibili ka ng Tupperware sa mga nanay ng kaklase mo. Nasa labas
ako ng room pilit ko nililibang ang
sarile ko sa Science Park ng nakita ko na
may lalake kasama ni Princess na may dala na Dura Box para sa classroom.
Hindi na ako umasa..Sa madaling salita huminto ang talino
ko. Tumanim sa isip ko na lahat ng bagay ay hindi patas. Isabay mo pa ang Mga nakakatanda walang humpay na panglalait sa
aking murang edad.Nawalan na ako gana mag aral. Ayoko nang magsulat, Ayoko ng
Gumuhit.
Beating up my self
been a hobby for me over the years.kinain ng insecurities ang buhay ko. Nag
rebelde ako sa lahat ng aspeto ng buhay.
This makes my life more miserable. Instead making something to save what I have
ang grow..I stop… I always looking something to blame sa lahat ng failure ko sa
buhay. Failed marriage, career lahat lahat.. I want to blame this failure sa
pwede kong sisihin. Galit na galiit ako sa mundo. I never realized that beating
up myself over years is a slow suicide.
I’m 32 and I found myself na nakaupo sa isang madilim na sulok. Waiting for
someone na maaapreciate ako. Waiting for somebody to makes me happy
One day pag gising ko na napagod na ako maging malungkot. I
suddenly stop. I start by uninstalling my Facebook app on my mobile phone. It’s
part of healing. To help me appreciate little things around me. Spend more time
for myself and my Family. Chatting with workmates, Reading and learning new
things. Personal message or a call sa
mga importanteng tao sa akin. I start writing again. I start enhancing my
skills and planning my life ahead. Na realised ko napaka blessed ko pala. I may
not working on the field that I am good
with pero I’ts not too late. Ako pa ba?
Susuko? Ngayon? Hahahahahha…Abot kamay
na diba.. Dati lahat kulang para maging daan ng pagtupad ng bawat pangarap
ko. Ngayon nasa paligid ko na pala bakit
hindi ko gamitin. Pero kahit sabihin na nating mag Fail pa din ako sa mga plano
ko. I will never be that person again. Narealised ko Life is too short para
magmukmok. I put “ If Else statement on my system “ hahahahha If this condition
will not work else statement will be ( go and Try again ).
To all people sailing to their inferiority complex…To all
people failed number of times.. discriminated
ng mga tao na nakapaligid sa kanila, Those who are not happy on their
Job. Tayo ang driver ng buhay natin. Tayo ang responsable sa “ Happiness,
Fulfilment” sa buhay natin. Kung paano natin makikita ang buhay araw araw ay
isang malaking Choice. Its always a
battle between POSITIVE and NEGATIVE. Appreciate what we have and work for
something we don’t have. C’mmon lets be happy
-akiko tracy