Monday, 6 June 2016

Bully



Bully
by: Akiko 

When I was on grade school nalipat ako from Section 6 to First Section ng Grade 4..Simple lng akong bata noon. Marami o lahat nagsasabi na napaka panget ko noon hahahhaha..Maitim, puro peklat ang binti, maiksi ang buhok parang lalake, sungki ganun pa man isa ako sa sinasabi nilang matalino. Sabi nila magiging abogado daw ako noon. My mom selling foods that time mga kakanin, sopas . Isang  kahid isang tuka eka nga .“ Aling Miner “ kung tawagin ang nanay ko noon. My family is struggling that time Financially.  My first day of school was never been easy for me. Hindi magandang simula dahil unang araw pa lang ako na ang sentro ng harutan. I can still remember a guy name Jeff lagi nya ako hinaharot at iniinis noon.” Intsik beho”, “ Negrita “ anu pa ba? Hahahahaha his mom selling Tupperware that time uso noon un pag mga sosi mom nan naka stay sa bahay. The day goes by wala ko gaano kaibigan noon. Out of place dahil karamihan sa classmate ko Burgis. I work very hard to reach the certain points for 1st honor, Unluckily parehas kami ng points ni Princess. Si princess na crush ng classroom, maganda ang ngiti, maputi at mayaman. Sinubukan kong labanan ang inferiority complex na kumakain at humihila sa akin. Wala ako mapagsabihan kasi ang nanay busy sa trabaho ayoko naman malungkot sya para sa akin.
Isang activity ang tinalaga ng teacher ko noon para malaman kung sino talaga ang magiging First Honor. Kailangan naming umarte bilang isda. Naalala ko noon isa sa mga kapit bahay namin ang tumatawag sa akin na “ LUKAOK” Hindi ko alam nararamdaman ko noon. Gumawa ako ng Isda na costume gawa sa manila paper dahil yoon lang ang kaya ng budget ko(2.50 pesos). Ako mismo ang gumawa dahil wala kaming pentel pen lapis lang ang ginamit ko na pang drawing. Dumating ang araw ng competition,  nauna si Princess magsadula.  Gamit ang Patahi na costume bilang isda kumikinang. Unti unti akong nanlumo sa aking nakita,. Hangang hanga ang mga kaklase ko sa kanya kahit hindi nya kabisado ang script. Dahil isa sya sa pinakamagandang ngiti umaatikabong palakpakan pagkatapos ng kanyang pagsasdula.
Eto ako.Binabalot ng kaba. Hahahhaa kabog ng kabog ang aking dibdib bitbit ang manila paper na buntot. Binalot ng tawanan ang classroom namin dahil nga naman sa corny kong costume. Bagkus humito ay itinuloy ko ang aking pagsasadula ng walang hinto. Lahat sila tumatawa dahil sa aking buntot na nagkapunit pa nga.Mukha kasing tinapa ang kulay. Tuloy tuloy walang hinto..Dahil panatag ako na kabisado ko ang buong script. Hindi ko namamlayan Tumutulo na pala ang luha ko sa harap ng classroom. Naririnig ko ang kanilang tawanan at bulungan.
Mula ng nangyari ang araw nayon Lumipas ng bawat araw na nakikita ko pabagsak na lahat ng grades ko dahil tila tulala ako pag nakikita ko ang mga kaklase ko. Dumating ang araw ng PTA meeting. Hidi umaattend ang aking nanay dahil ako mismo niintidihan ko kung bakit. Walang humpay na payabangan lng naman. Dapat bibili ka ng Tupperware sa mga nanay ng kaklase mo. Nasa labas ako ng room  pilit ko nililibang ang sarile ko sa  Science Park ng nakita ko na may lalake kasama ni Princess na may dala na Dura Box para sa classroom.
Hindi na ako umasa..Sa madaling salita huminto ang talino ko. Tumanim sa isip ko na lahat ng bagay ay hindi patas. Isabay mo pa ang  Mga nakakatanda walang humpay na panglalait sa aking murang edad.Nawalan na ako gana mag aral. Ayoko nang magsulat, Ayoko ng Gumuhit.
 Beating up my self been a hobby for me over the years.kinain ng insecurities ang buhay ko. Nag rebelde ako sa  lahat ng aspeto ng buhay. This makes my life more miserable. Instead making something to save what I have ang grow..I stop… I always looking something to blame sa lahat ng failure ko sa buhay. Failed marriage, career lahat lahat.. I want to blame this failure sa pwede kong sisihin. Galit na galiit ako sa mundo. I never realized that beating up myself over years is  a slow suicide. I’m 32 and I found myself na nakaupo sa isang madilim na sulok. Waiting for someone na maaapreciate ako. Waiting for somebody to makes me happy
One day pag gising ko na napagod na ako maging malungkot. I suddenly stop. I start by uninstalling my Facebook app on my mobile phone. It’s part of healing. To help me appreciate little things around me. Spend more time for myself and my Family. Chatting with workmates, Reading and learning new things.  Personal message or a call sa mga importanteng tao sa akin. I start writing again. I start enhancing my skills and planning my life ahead. Na realised ko napaka blessed ko pala. I may not working on the  field that I am good with pero I’ts not too late.  Ako pa ba? Susuko? Ngayon?  Hahahahahha…Abot kamay na diba.. Dati lahat kulang para maging daan ng pagtupad ng bawat pangarap ko.  Ngayon nasa paligid ko na pala bakit hindi ko gamitin. Pero kahit sabihin na nating mag Fail pa din ako sa mga plano ko. I will never be that person again. Narealised ko Life is too short para magmukmok. I put “ If Else statement on my system “ hahahahha If this condition will not work else statement will be ( go and Try again ).
To all people sailing to their inferiority complex…To all people failed number of times.. discriminated  ng mga tao na nakapaligid sa kanila, Those who are not happy on their Job. Tayo ang driver ng buhay natin. Tayo ang responsable sa “ Happiness, Fulfilment” sa buhay natin. Kung paano natin makikita ang buhay araw araw ay isang malaking Choice.  Its always a battle between POSITIVE and NEGATIVE. Appreciate what we have and work for something we don’t have. C’mmon lets be happy



-akiko tracy  

No comments:

Post a Comment